STAR NGA BA?: Marian-Dong, walang pahinga sa paggawa ng baby! Marian, may pre-Valentine treat sa GenSan!

DINGDONG DANTES at MARIAN RIVERA

Isang buwan matapos maging official na Mrs. Dantes, back to work na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Bukod sa kanyang hosting stint sa Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga, muling sa­sabak ang aktres sa iba’t ibang regional tours ng GMA Network.
Ngayong Biyernes, Pebrero 6, isang nakaka-in love na Kapuso Fans’ Day ang pangunguna­han ni Marian sa General Santos City. Gaganapin ito sa KCC Mall of GenSan simula 5:00PM.
Taong 2013 nang makisaya si Marian sa selebrasyon ng Tuna Festival. Bumalik siya sa GenSan ng 2014 para gampanan ang kanyang tungkulin bilang Ambassador for Women and Children with Disabilities sa pamamagitan ng Kapuso Outreach Activity.

At ngayong 2015, maghahandog naman siya ng ‘di malilimutang pre-Valentine treat para sa kanyang mga tagahanga.

Anyway, sa latest tsikahan namin, aliw na aliw nga ako sa biro ni Marian, na kesyo wala na silang pa­hinga ni Dong sa kaka-honeymoon. O wala na silang pa­hinga sa lambingan para makabuo agad ng baby.

source : abante

Share on Google Plus

About Unknown

Hello!... I'm Jastin E the author of TNC - Trending News Club... We provide latest and updated NEWS and Trending TOPICS from both local and international..
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments :

Post a Comment